Wednesday, September 30, 2015

16- SMT (Segunda Manong Tao)

"Alam mo namang ginagamit ka lang pero nagpapagamit ka pa rin. Wala eh, tanga eh."

Sa panahon ngayon, marami ka na talagang makikita ng mga taong mang-gagamit at nagpapagamit. Mga nagpapatanga at mukhang tanga. Mga taong makapal ang mukha at mga taong manipis ang mukha. Mga nang-aabuso at nagpapa-abuso. Bakit nga ba ganon mag-isip ang isang tao? Bakit nauso ang mang-gamit ng TAO? Nagsawa na ba silang gumamit ng BAGAY at napag-isipan na lang nilang mang-gamit ng TAO?

Sabi nga nila, bawat pangyayari ay may rason o may dahilan. "So ibig sabihin may dahilan kung bakit nang-gagamit o nagpapagamit ang isang tao?" Oo naman.Walang nangyayaring pangyayari (ang gulo eh) na hindi nabibigyan ng dahilan. LAHAT ay may dahilan, LAHAT may rason. Kung sinabi man ng isa na kaya trip nya lang ang gawin ang bagay, nagsisinungaling lang siya. Pero ang pino- point out ko nga pala dito ay yung mga reasons kung bakit nagpapagamit ang isang tao.

1. Masyadong mabait.
May ibang tao na sobrang bait talaga, na hindi nila kayang makita yung isang kaibigan nila or isang stranger na nahihirapan. Kaya naman kesa sa tulungan ang sarili nila, mas inuuna nila yung kapwa nila.

2. "Mahal ko siya eh" 
Maraming gantong tao ngayon. Lahat gagawin nila para mapasaya, mapa-impress yung mahal nila. Lahat ng utos ni crush, gagawin talaga nila lahat. Kahit pa mag mukha silang tanga.

3. "Shunga"
May mga tao nga lang talaga na tatanga-tanga (sorry for the word though). Halatang- halata na ginagamit na sila, hindi pa rin nila nararamdaman. Akala nila ang tingin pa rin sa kanila ay kaibigan yun pala ginagamit lang pala sila. Nakakaasar yung mga gantong tao pero hindi mo rin kasi sila masisisi eh. May iba talaga na gagawin ang lahat para lang ma-maintain yung friendship nila, nakakaawa lang.

Marami pang mga rason kung bakit nagpapagamit ang isang tao, pero sa tingin ko eto yung mga pinaka-common.





No comments:

Post a Comment