Saturday, June 11, 2016

25- Suko (Filipino)

"Wala na...talo na talaga ako..."

...susuko na ang Oppa.

Gusto ko lang naman kung ano yung nakakapag-pasaya sa kanya. At wala rin naman ako sa posisyon para pigilan ang nararamdaman niya. Dahil hindi naman isang teleserye ito tungkol sa nanay na walang ginawa kundi hadlangan ang gusto ng anak.

Ang tangi ko lang magagawa ay ang suportahan siya sa kung anu man ang gusto niya... at alalayan sa oras na nalulungkot at nasasaktan siya, Yun lang.

Dahil napamahal ako... at hanggang dun lang yun...

Mapaglaro ang oras... at lalong-lalo na ang aking puso at isipan.

Pinaglalaruan ako ng tadhana... at pinapaasa...

Isang babae... na nasalinan nang kakaibang dugo, lumaki nang may gulo sa isipan... may sikretong hindi nalalaman ng kung sinuman... at may problemang mag-isa lang niyang pinag-dadaanan.

Lahat ng mga taong gusto niyang makamit ay parang isang nagliliwanag na bituin sa langit. Hanggang tingin na lamang ang ganda nito at hindi kailanman ito makakamit.

Kung tutuusin ay napakalaking problema na ito, at maaaring mahantong sa isang kamatayan. Pero paano niya nga ba nalagpasan ito? Paano niya nalalabanan ang kanyang lungkot at pighati?

....dahil meron siyang malasakit sa sarili niya at pati na rin sa ibang tao..

...dahil alam niya na darating ang solusyon sa harap niya....

                          ... at walang sawa siyang naghihintay.

Pinilit niyang maging normal... pinilit niyang i-balanse ang sarili niya. Pinilit niyang maging kaaya-aya sa mga mahal niya sa buhay.

May mga nakakaintindi pero hindi alam ang rason... at may iba na alam ang rason pero hindi nakakaintindi..

Naisip ng babae na kahit anong klaseng paliwanag pa ang sabihin niya ay hindi pa rin nila maiintindihan, hindi pa rin nila mararamdaman, hindi pa rin nila tatanggapin...

               ...kaya natakot siya.... natakot siya sa katotohanan....

At hanggang ngayon...patuloy siyang nagtatago sa kasinungalingan. Napuno ang isip niya ng purong kasinungalingan...kahibangan.. kaya doon namuhay ang puso niya.

Ang babaeng walang sawang pinapakinggan ang mga lait ng tao, problema ng tao, pabor ng tao, galit at tampo ng tao... ay nabuhay na para sa ibang tao.

Ang babaeng nabigyan ng napakalaking pagsubok simula pa nung bata pa siya...

Hanggang saan kaya ang kakayanin niya?

Mamumuhay ba siya nang buhat-buhat ang lahat ng kawalangyaan na iyon?

....O may papasok sa buhay niya na makakapag-pabago sa ikot ng tadhana..

Ang babaeng naging mistulang prinsesa na naghihintay sa kanyang prinsipe.. at ang prinsipe na walang sawang naglalakbay para hanapin ang prinsesa niya.

Buhay ng babaeng nabubuhay sa kurong pantasya, sa payapang mundo pero magulong katauhan.

Hanggang kailan niya matitiis ang sakit?

Bibigay ba siya? O bibigat? 


No comments:

Post a Comment